Saturday, November 13, 2010

Ano para sa akin ang TUNAY na kaibigan...

"Good Friend ka nga ba?? o are you just good at blending in??"
I remember the day my nanay Pauline Mae Capacete sent me this message... sabi nia napaicip siya dito... i read it again... at ako din napaisip. ano ba ako sa dalawa? good friend? good blender (walang maicip na term)? Well, i have hundreds of friends... i mean i belong to different groups.. from my family to family friends, schools mula preschool to college, karate, ROTC, banda, mga co-student ambassadors all over the philippines and all over the ASEAN region, sama mo pa mga mentors at professors, janitors, guards, mga sundalo, empleyado where my mom and other relatives work, mga kapitbahay etc etc. may obeds at refa, bantog, ivy6, supots, katoto... But am i right at calling all of them my friends? at eto nanaman tayo sa hilig kong mag define ng mga bagay-bagay. . . ANO NGA BA ANG ISANG TUNAY KAIBIGAN? well, aware naman ako na iba ang ACQUAINTANCE sa FRIEND. So sa dami ng mga taong nabanggit ko kanina... cnu ba sa kanila ang friends ko? at sino ang acquaintance lang?

Naalala ko tuloy ung sa social network. . . you dont get to 500 million friends without making a few enemies. :D TRUE. amp, ang illogical ng mga pinagsasabi ko... walang konek! :DD



why am i writing this in the first place? i mean typing this in the first place?? BECAUSE I HAVE TRUE FRIENDS. i know i do. nung elementary i found some friends na hanggang ngayon nanjan pa rin...actually thru FB nagkikita kita na ulet kami. i found more friends lalo na nung hi-skul... at the time na im exploring all boundaries and struggling pa for an image im gonna keep hanggang college or even beyond... at ngayong college na rin nakilala at naging kaibigan ko ang mga taong i never thought would be my friends...realizing that pagdating sa TUNAY na pagkakaibigan hindi tama, hindi totoo at hindi appropriate ang "PREFERENCE"...

"the BEST of friends are those who are able to co-exist despite obvious differences".. yan ang napatunayan ko nang mabuo ang REFA... my first TRUE and definitely lasting BEST-FRIENDSHIP, celebrating 5 years of unending love and care for each other.

Ako. . . the nice guy at mr. achiever ng barkada, laging seryoso at kilalang KJ nga daw, career-oriented kaya laging busy at hindi nakakasama sa mga labas ng barkada... pero madalas pasimuno sa kalokohan at mga kakaibang trip, mahilig kasi ako sa adventure at gustong gusto kong pinapairal ang aking SPONTANEITY. kilala rin ako sa akin linyang TRABAHO LANG (muna) WALANG PERSONALAN...

si ANJOMIE YAP o si mimi "the comedienne" at friend ng lahat, matalino rin pero mas kilala bilang ate at nanay na laging ready with her advises. LEADER hindi lng ng barkada kundi ng buong batch namin... parehas kaming tampulan ng pang aasar pero di tulad ko, mahirap pikunin ang taong ito. hindi matatawaran ang pagkamasayahin at pagiging positive nia, kaya lng sa kagustuhan niang i-maintain ang image na ito, minsan napipilitang syang ikubli sa kanyang mga ngiti at malalakas na tawa ang kalungkutan, ang kanyang self pity, at iba pang personal niang problema.

si BENHAR SUMPINGAN, ben n lng o har, pero tawag sa knya ni mimi Bentot. mr nice guy rin pero iba ang angas, minsan hi-blood at mapagpatol kahit sa babae, sobrang pranka at kapag nasabi na niya, yun na yun! mahirap makaaway to, nakakatakot, lagi kami nagdidiskusyon tungkol sa relihiyon, muslim kasi siya...pero kung kaibigan mo naman siya, siya yung tipong ipagtatanggol ka, hindi ka iiwan sa ere, hindi ka pababayaan. malakas mang asar pero isa ring pikon. when he does not mean to hurt you at nasaktan k niya, siya yung tipong hindi magsosorry dahil nga hindi naman niya intention na manakit. (ganun din naman ako). siya rin NGA PALA ang dahilan kung bakit sa KFC lang kami lagi nagcecelebrate ng anniversary. KASI BAWAL ANG BABOY! :D

http://alberta.hihenry.com/edmonton/kfc-120070/

si KEVIN CARLAY, iba xa, dahil una sa lahat sya lang sa aming apat ang tinatawag namin sa apelyido, minsan p nga "lay" lng... eto tlga ang pinakamaangas sa lahat. VARSITY kasi, wala nang ginawa sa buhay kundi magbasketball..un tlga pangarap nia eh. MAY TINATAGONG TALINO pero minsan nagpapabaya.. pero nagsisipag na "daw" sa pag aaral ngayon, nagpromis kasi samin na sabay-sabay kaming gagraduate ng college. anu p nga ba ang expected mo sa isang varsity, xempre celebrity diba? gwapo, matangkad, magaling sa "bola" (pero i must note na kaming tatlo ay expert lahat sa larangang ito). napakasweet ng taong ito, mapakaibigan o sa kahit na sino.. lalo na sa syota.. xa sa aming tatlo ang stable pagdating sa pakikipag relasyon.

Yan ang hi-skul barkada ko pero i must take note of the following people na tunay na nagbigay kulay at buhay rin sa aking Hiskul life:
>Svenja C. Loverez a.k.a. Besty
> Ma. Loraine C. Dela Cruz a.k.a. Ate
>Gliezl Marie Borjal a.k.a. the valedictorian (totoong vale xa, at salu ako! :P)

apat na magkakaibang tao, apat na iba't ibang buhay, apat na kwento... iisang samahan. limang taon ng pagkakaibigan. kanya-knya man ng landas na tinatahak, mananatili ang samahan. ika nga ng last anniversary tagline namen... SAME TIME, SAME PLACE, SAME FRIENDSHIP.

pero xempre, hindi pa rin nasasagot yung tanong na ANO ANG TUNAY NA KAIBIGAN? pero sasagutin ko muna kung SINO ang mga tunay kong kaibigan... sila, ang REFA, ang mga tunay kong kaibigan... iba iba kami, totoo.. pero you know what? TANGGAP NAMIN ANG PAGKAKAIBA-iba NAMIN. if u're someone who does not know us and met us in different circumstances, u wont even think n magkakakilala kami.. lalo pa kaya na magkakaibigan kami, another proof n hindi totoo ang SOCIAL PREFERENCE pgdating sa pagkakaibigan.

ang tunay na kaibigan UNDERSTANDS. ang tunay na kaibigan ACCEPTS. ang tunay na kaibgan kayang sabihin to ur face na pangit ang suot mo, nangangamoy ang putok mo, di kayo bagay ng ka-date mo, may kulangot ka sa labi, "ikaw yung umutot no?". ang tunay na kaibigan hindi nahihiyang yakapin ka, matulog sa tabi mo, kahit nga sabay pa kayong maligo.. WALA KASING MALISYA. parang magkapatid lng. pero ang tunay na kaibigan rin KNOWS HIS BOUNDARIES and THE LIMITATIONS OF THE RELATIONSHIP. iginagalang niya ang iyong privacy. alam niya kung kailan xa dapat nanjan para sa iyo at alam niya rin kung kelan ka niya dapat pbayaang mag isa. alam niya ang gusto mo at ayaw mo. ang masama at nakabubuti sayo. pero anu pa man, hindi niya hahayaang mapariwara ang buhay mo. a true friend's love is more than the love a lover could give.. ang true friendship kasi walang simula at wala ring katapusan (given the characteristics of a true friendship, above). walang petsa, walang rules, walang kontrata. only LOVE, CARE and RESPECT.

Hindi ko sinasabi ang mga ito bilang pilosopiya ko lng.... nasasabi ko to kasi alam kong meron ako nito... MERON AKONG MGA TUNAY NA KAIBIGAN. na nanjan lng, kailangan man o hindi. masama man ang ugali ko. busy man ako at minsan insensitive (hindi naman ako insensitive, ayoko lng nung araw araw na lng nagdadramahan). NASA PUSO NAMIN ANG ISA'T ISA, distance, work, or whatever circumstance cant tear the friendshp apart.

Ngayong kolehiyo, iba na ang set up. bago lahat ng taong nakakasalamuha, panibagong adjustments nanaman at sa proseso ng pag aadjust na to, swertihan na lng kung makatagpo ka ng mga taong mabilis na tatanggap sa iyo... MAGING SINO KA MAN.

iba tlga sa college, halos lahat trying hard to be cool, trying hard to be "in"...nagmamadaling tumanda yung iba. . . ung iba naman nag papaka-immature. cant we all just be ourselves? the answer of the society is NO. kelangan mong makisama, kelangan mong makibagay, wag kang atribida, wag ka rin naman dedma...hayaan mong magdominate yung iba or kung ikaw ang dominante, wag mo nang i-encourage yung mga tahimik na maki-join pa. ika nga STICK TO THE STATUS QUO. pero ayoko nian, like i always do, i want to be different... and that happens when i am ME. dito papasok yung challenge of finding TRUE friends in college. and i am fortunate I HAVE FOUND THEM.

http://aprendiendoingles.net/high-school-musical.jpg

my entire life changed when i entered the corps of cadet officers.... THE mr. Diplomat, socially-connecting me... nabura na iyon. lahat kaming trainees ay binuhay na hiwalay sa "outside world"...sa loob ng halos dalawang semestre ng unang taon ko sa colehiyo, social-isolation ang naranasan ko. iba ang itsura namin, iba ang kilos namin, may sarili kaming mundo. may maglalakas loob kayang MAKISAMA?

una sa lahat, sa loob ng training ko as COCC,, nakilala ang mga una kong kaibigan sa college. ang aming BATCH. ang BANTOG. literally, kasama ko sila sa lahat ng HIRAP AT GINHAWA. kasabay kumain, kasabay maligo, kasabay matulog, umuwi, lahat lahat na ata ng pwedeng sabay na gawin. halos 24/7 kami magkakasama hindi pa kaya mabuo ang isang matatag at subok na pgakakaibigan out of this?? totoo ang sinabi ng mga upperclass ko na dito lang sa corps matatagpuan ang tunay na samahan,tunay na kapatiran.. pagmamahalan, pagdadamayan. (naiiyak ako pag naalala ko lahat ng naranasan namin, kasi sa kabila ng lahat...andito kami STILL ALIVE AND KICKING). LET ME HAVE A ROLL CALL: may favoritism ako kaya may order tong list na to: (OOPS, wag magtatampo ung nasa dulo ahh, alam niyo naman lahat kayo mahal na mahal ko)
C/CPT FLORENCE DAWN CARREON, C/CPT LADY DIANA SY, C/CPT JOHN GABRIEL DESALAGO, Ma. Cecilia Pobeda, Dana Alyssa Evangelista, Argel Joseph Dela Pena, Ferdinand Aniban, Phoemela Nicole Ballaran, Joshua Cabansag, C/CPT BENJAMIN GALMAK, C/CPT JAN CARLO O LUMALANG.

extra challenge ang pagkakaibigan namin dahil bukod sa magkakaibigan kami, kung baga sa negosyo eh magkakasyoso din kami. may trabaho at responsibilidad na hindi maaaring maapektuhan ng mga personal naming problema o pagsasama. another challenge is my being BATCHCOM to this batch, kumbaga sa magkakapatid na naulila sa magulang, ako yung panganay that should look after them at ALL TIMES. ang mahalaga sa amin, walang iwanan. UNITY, LOYALTY,PROFESSIONALISM.

let's move on to the next group, ang mga pinakamamahal kong BMC-I-2 Supots!!! hindi ko matandaan kung saan nanggaling ung pangalang supot.. kay Jungie Guimiran ata nagsimula..hahahah. kanina i asked "sinong maglalakas loob makisama?"... ang sagot ay SILA. ang aking BLOCK. kanina din i defined what true friends are... sabi ko UNDERSTANDS, ACCEPTS blah,blah,blah... ito SILA. without us explaining about our being COCCs, its pros and cons.... ang mga taong ito, tinanggap kami, inunawa, minahal. damang dama ko yun... everytime my profs bull me out nakikita yung mga mata nilang nagsasabi sa PROF na "eh sir/mam naman kasi YOU DONT UNDERSTAND..." ang sweet no?... mga taong make you feel special, ayaw na ma out cast ka just because ur different. walang STATUS QUO at kumbaga sa communism, lahat pantay pantay. MASAYA, EXCITING at PUNO NG PAGMAMAHALAN that's what define my relationship to this group. na-reblock man kami, patuloy naming mamahalin ang bawat isa... dahil sa mga puso namin kami ay mananatiling mga supot, san man kami dalhin ng kapalaran namin sa PLM. :P btw, i want to especially mention ang mga supot na kasama ko rin sa TUTU at lagi akong pinaiiyak dahil tlgang pinipiga nila ako para lumabas ang SENTIMENTALITY KO.. sina: Princess Sara Martinez na ms congeniality at laging may masayang kwento, Joanne Marie De Duque na aking chibi-san at lagi akong binabara pero bumabawi rin naman sa mga sulat niya at serious talks, Ivy Concepcion na pasan ata ang daigdig pero nakukuha pa ring tumulong at mag palakas ng loob ko... si Irish Asilo na lagi akong pinasasaya, si Camille Elvina na laging akong iniintriga at hina-hot seat, at si Aldous na cool lng pero tunay na maaasahan... si BOC CARS girlfriend ko daw sabi sa bahay and even by ms. Monje na lagi lang nanjan. at ang mga sumusunod na SUPOT rin na nanantiling loyal sa samahan:
>Jill, ang supremo ng mga supot
>Sara, next supremo
>Jed, Jungie, Christopher, Prince, Ace, at Raf
>"Antonio," Lyka, Runa, Janet, Trina at eunizzia
>Pat, Jaycee, Gabi, Gelay, at meg
...hala patay ako pg may nalimutan...:DDD

Now, let me go to my current company...ang aking mga KATOTO..BMC II-2. AND THIS IS GONNA BE A LI'L BIT OF A DEIFFERENT DESCRIPTION... i would be a hypocrite if i say im comfortable with all my new blockmates... ang plastik ko kung sasabihin kong lahat sila ay mabaet sa akin, lahat sila pinakikisamahan ko o lahat sila KAIBIGAN KO kasi hindi yan totoo... some of them remain just a blockmate and not a friend. yung iba nga lumilipas lng yung araw ng hindi ko man lng nakakausap eh. kasalanan ko rin naman, sa totoo lang ako ang nag ooutcast sa sarili ko... ganun tlga eh. maarte ako at pa espesyal kaya siguro ayaw n lng rin nila magpumilit na makisama... ok lng pero gusto kong malaman nila na I REALLY APPRECIATE THE SUPPORT lalo na sa mga endeavors ko, i appreciate the efforts made by some few people to reach out, i appreciate those who's concerned of me and tries to undertand my situation.. problema... Stratified kasi kami, kanya knya ng grupo, karamihan dominanteng tao, knya knya ring takbo ng utak... pero im still looking forward to that day na marealize ng bawat isa na kelangan namin ng unity. maging isang BLOCK. nevertheless, may mga nakilala ako sa block na to na maganda ang personality at gusto kong maging bahagi ng buhay nila... at sila bahagi ng buhay ko. This block is a new challenge, and i hope may mga bagong TRUE friendship na magmumula dito. KUNG MAY MGA NASABI MAN AKO NA NAIRITA KA (kung isa kang tutu na nagbabasa nito). pasensya ka na ahh.. nagiging honest lang ako. pero nabanggit kayo dito dahil mga KAIBIGAN KO KAYO na handa kong tulungan, damayan, mahalin at alam ko ganun di kayo sa akin... it's just a matter of letting time do the necessary adjustments. :)
>>special mention pala kay Frances Bernadette Cruz, Hope San Pedro, Adrian Sollestre, Cyedel Dela Pena, Joy Dela Cruz and Jairo Barnachia.

last but not the least, and far before i conclude this entry... ipakikilala ko sa inyo ang Pluma Ivy Leeguers 6 o mas kilala bilang IVYVI ang aking pangalawang pamilya sa Colej of Maskom. Dito nakilala ko ang ilan sa mga pinakamahuhusay na estudyante ng aking kolehiyo at the same time nakatagpo ako ng mga kaibigang iba sa lahat... bakit iba? kasi dito.... ako ang bunso. ako ang tinuturuan, ako ang inaalalayan, ako ang ginagabayan.. .sila ung mga taong hindi magdadalwang isip na tumulong kung kaya..natutunan ko sa kanila ang ibang side ng "dedikasyon".. minahal ko tong mga to ng sobra gaya ng naramdaman kong pagmamahal nila sa akin... kayo ba naman ang magsama ng ilang linggo... araw-araw. madami akong natutunan sa kanila....
>> NANAY PAULINE MAE CAPACETE, ate grace, honorable ross man, kuya anvey, ate ri, ate kuri, kuya nix... mwuah,mwuah! :)

marami pa.... sa Banda, sa Kyokushin Family ko at sa ROTC but the entry's been long enough at nabanggit ko n halos lahat ng dapat mabanggit. kung merong wla dito... wag magtatampo, dahil kung tunay kitang kaibigan, alam mong bukod sa bingi ako, ay MAKAKALIMUTIN rin! hahahahaha..... should i end it now? WAIT. . . .

BAGO matapos ang lahat... ang isang TUNAY NA KAIBIGAN ay marunong makaappreciate.... alam niya na importante para sa isang kaibigan ang salitang SALAMAT. kaya as i close this one, i would like all my friends to know HOW THANKFUL I AM to you..for bringing color and spice to my life... for the little and the big favors u've voluntarily done for me. for accepting me as I AM. for understanding my being human (na nagkakamali ako kahit sa punctuation at grammar at pagtatype). for not asking too much nor giving me too much. for making me realize many things most especially how good life can be and how all other things im aspiring for can be useless without u by my side... and for many other reasons na kung iisa-isahin ko ay hindi na matatapos ang blog entry na ito. LAST BUT NOT THE LEAST thing i wanna tell you all... I AM SORRY (mimicing her ex-cellency PGMA).... kung may nagawa o nasabi akong nakasakit sayo pero hindi ko na nabawi, pagkukulang, watever (alam kong marami ring dahilan).... ayun, at SALAMAT ulet dahil alam kong pinatawad mo na ako at dahil alam ko rin na kahit ano pa mang mangyari... HIGIT PA RIN ANG PAGKAKAIBIGAN NATIN sa anumang pagsubok o anu mang oportunidad. MAHAL KO KAYO. MAHAL NA MAHAL. Keep that in mind, ok? xoxoxoxoxoxo.

http://gosmellthecoffee.com/files/2008/09/m175good-friends-are-like-stars-pos.jpg

1 comment: